Naging masaya naman ang mga araw ni Helena nitong mga nakaraan. Kahit na may trabaho si Axel hindi pa rin naman ito pumapalya sa pagpapasaya sa kanilang mag-ina. Pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo niya dito. Ginagawa niya lang ang sa tingin niya'y tama. Ayaw niyang magpakampante na naman ito. Porque mahal niya ay sasaktan na naman siya nito. Hindi na rin nagpaparamdam sa kaniya ang ina nito. Siguro, malayo ang kinaroroonan niya kaya hindi na nito inaabalang bisitahin siya. Sabagay, sabi naman nito, diba, huling beses na itong magpapakita sa kan'ya? Sana nga. Minsan naaawa na rin siya sa binata. Hindi niya akalaing magda-drive ito papasok sa trabaho at pauwi ng Baler. Dalawang beses yata nitong ginawa. Parang lantang gulay itong nakarating sa villa, kaya pinagsabihan niya itong u