“Helena, open the door, please. It’s me, Nikki!” Napamulat siya bigla nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahang naupo at tumayo siya para pagbuksan si Nikki ng pinto. Tinawagan niya ito kaagad kanina ng makita ang dugo. Naalarma ang ang isip niya kanina pero pinilit niyang ikalma nang makita ang dugo sa kan’yang panty baka lalong dumami iyon. Ganoon din ang nangyari noong nakaraang duguin din siya. Mas marami lang ngayon kaya nakaramdam siya ng takot. Gusto niya sanang pumunta ng ospital kanina pero pinigilan siya ni Nikki. Nabanggit niya kasing nanghihina ang buong katawan niya dahil nalipasan din siya ng gutom. Naikuwento niya dito habang nasa biyahe ito kanina ang lahat ng nangyari kaninang umaga maging ang komprontasyon nila ni Axel. Ang buong akala niya, si Nikki la