Nanghihinang napasandal si Helena sa pintuan. Sunod-sunod ang pagtaas-baba ng dibdib niya ng mga sandaling iyon. Nanginginig din ang buong katawan niya sa galit sa ina ni Axel. Kung hindi lang siya buntis ngayon baka bumigay na siya. Baka, nagpakalayu-layo na siya. Hindi niya deserve ang ganoong treatment. Marahil, iniisip ng ina ni Axel na pera ang habol niya sa anak nito. Puwes nagkakamali ito. Noon pa man, alam niyang mula sa mayamang pamilya si Axel. Ni hindi na nga niya naituloy ang paghahanap dito dahil baka hindi nito tanggapin ang anak nila. Kahit noong mga panahong hirap na hirap sila ng anak, hindi niya nga talaga hinanap si Axel. Tiniis at kinaya niya ang lahat ng trabahong pinasok matustusan lang ang pangangailangan nilang mag-ina. Kaya niyang buhayin ang anak kahit wala an