"Talaga, Anak? Aba'y iuwi mo nga apo namin dito. Maraming manok ang Lolo niya dito. Ipagluluto ko kamo siya ng pritong manok." Hindi maikaila ang excitement sa mukha ng ina nang mabanggit niya ang isa sa mga paborito ng anak. Kakagising lang kasi niya ng mga sandaling iyon. Naamoy niya kasi ang bango ng niluluto nito, kasama na ang tinolang manok. Dapat abutin sila ng umaga ng kuwentuhan pero nang malaman ng magulang na buntis siya ay pinatulog kaagad siya ng mga ito. Nag-aalala na ang mga ito, hindi kagaya noon, na pinagalitan pa siya. Pagkatapos ng almusal ay nagkuwentuhan ulit sila. Ipinagpatuloy nila ang hindi na naituloy na usapan kaninang madaling araw. Wala siyang pinalagpas na kuwento ng buhay niya, maging ang nangyari sa kan'ya sa poder ng huling amo. Walang sinisisi ang mga i