Chapter 59: Axel...

2579 Words

Malungkot na iginala ni Axel ang paningin sa condo niya bitbit ang isang bote ng alak. Halos nangalahati na niya iyon. Ang dami niyang nami-miss na mga kaganapan sa condo niya. Hindi na niya naririnig ang halakhak ng anak. Kahit ang pagalit na boses ni Helena kapag nagagalit sa kan'ya, kasi nga nalaman niyang siya pala ang pinaglilihian nito, kaya lagi niyang inaasar. Pinatay niya ang ilaw sa sala saka pumasok sa silid. Mas lalo siyang nalungkot nang bumalik siya sa silid na inuukupa nila ni Helena. Hindi niya maiwasang mapatingin sa paboritong puwesto ng dalaga sa kama tuwing gabi. Napapikit siya kapagkuwan. Sobrang miss na niya ang dalaga. Mahigit isang buwan na mula ng maghiwalay sila. Kahit anong suyo niya dito, hindi siya pinagbibigyan. Aabot lang yata ng isang minuto ang pakikipag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD