"Hon..." ani ni Axel sa kan'ya na hindi man lang nagulat sa paglabas niya sa pintuang iyon. Napatigil siya sa paghakbang nang makita ang helicopter sa likuran nito. Klaro na kasi ang paligid sa paningin niya, at hindi umaandar ang helicopter ba iyon. Lalo siyang natigilan nang may lalaking pababa mula sa helicopter. Pamilyar ito sa kan’ya. Hindi niya mapigilang suyurin ang kabuuan nito nang mapagsino ito. “Shall we start?” ani ng baritonong boses ni Mayor Ice Iniguez. Tinanggal nito ang sunglasses nito at palipat-lipat sa kanila ni Axel. Saka lang niya napagtantong may bitbit itong folder at ballpen. “Anong ibig sabihin nito? Hindi ka magpapakamatay?” aniyang nakapameywang na hinarap si Axel. Halata ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa tanong niya. “What? Ako magpapakamatay?!” “