“Hon!” Nilingon niya si Axel na sumunod sa kan’ya. Naiinis pa rin talaga siya. Sayang talaga ang oras nila nang magpasukat sila noon kay Melissa. Hindi naman pala niya maisusuot dahil kasal na siya! Nagpakawala siya ng buntong hininga at ipinokus ang sarili sa magandang tanawin. Tumigil siya saglit para damihin ang preskong hangin. Pinaghalong init at lamig. Init kapag galing sa dagat, malamig kapag galing sa kakahuyan. Umupo siya saglit para tanggalin ang sapatos. Gusto niyang damhin ang malinis at pinong puting buhangin. Tumayo siya kapagkuwan, na bitbit ang sapatos. Muli niyang inilinga ang paningin. Hindi niya maiwasang mapaawang ng labi nang makita ang isang building. Magarang building sa gitna ng isla? Wow! Napapalibutan pa iyon ng kakahuyan. May nakita rin siyang ilang cabin