Chapter 38 3rd Person's POV "Lahat ng ito. Ilagay niyo sa magic tower. Wala kayong dadalhin sa imperial palace," ani ni Ragen. Napatigil ang mga magician matapos marinig iyon. Tumingin sila sa empress. "Ang pangit ng tiyura," ani ni Ragen at ngumiwi. Muntikan na matumba si Colton sa kinatatayuan matapos marinig iyon. Sinabi din ni Ragen na hindi maganda sa pang-amoy. Medyo sensitive kasi ang pang-amoy ng empress. Nilingon ni Drake ang mga kasamahan. "Narinig niyo ang empress sa magic tower dadalhin ang mga ito," ani ni Drake. Nakahinga ng maluwang si Colton actually iniisip niya na kanina pa kung anong maaring i-reason niya para hindi iyon madala sa palasyo. "Gumana dito ang magic stone detector ngunit hindi namin ma-identify kung saan ito magagamit," ani ng isa sa mga magician.

