Chapter 39 3rd Person's POV "Nakakatuwa naman. May ganitong bagay pala na tinatago ang imperial palace," ani ng lalaki na may suot na itim na roba at inangat ang isang uri ng bato. Nagkalat ang mga iyon sa table. "Mahal na hari. May naiisip ba kayo na paraan na mapaggagamitan ng magic stone na iyan?" tanong ng lalaki na may hawak na libro. Ngumisi ang lalaki na nasa harap ng table at ibinaba iyon. "Marami, sa sobrang dami hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Anong mas magandang way para i-t*****e at bulabugin ang buong imperial palace ng mevuen," ani ng lalaki na nakangisi ngayon at nakakulong ang mga bato sa palad. — "Lucien, hindi ka ba sasama. Nasa garden si papa," ani ni Lucas at pumasok sa playroom. Ginala ng batang lalaki ang paningin sa silid. Napataas ng kilay si Luc

