Chapter 43 3rd Person's POV "Then ano sa tingin niyo ang dahilan kung bakit nagtatago ngayon ang hari ng lupera?" Nagbago ang expression ng head magician. Agad ito na sumagot na hindi iyon maaring gawing basehan ng empress para ipagdiinan na may kinalaman doon ang hari at gawing rason para bulabugin ng emperor ang buong emperyo. "Scott, ibigay mo sa akin ang branch of gospel," ani ni Ragen. Agad na lumapit si Scott at may inabot na bagay na nakabalot sa puting tela. Napatigil ang mga priest na galing sa temple. Nagulat ang mga ito matapos ipakita ni Ragen ang bagay na laman ng puting tela. Sa unang tingin mukha lang itong ordinaryong sanga ngunit kung titingnan na maigi hindi lang ito ordinaryong sanga. "Sigurado naman ako na wala sa inyo ang hindi alam kung ano ito," ani ni Ragen

