Chapter 44 3rd Person's POV May hawak na papel si Ragen nang sandali itong mapatigil. Napahawak siya sa ulo matapos biglang kumirot iyon. May madilim na kalangitan. Napatigil si Ragen matapos makakita nang mga itim na nilalang galing sa ilalim ng lupa. Nabitawan ni Ragen ang hawak na pen. "Mahal na empress?" tawag ni Scott. Halata sa mukha ni Ragen ang gulat. "May nakita akong magic circle. Nakabaliktad na triangle at sa taas 'non apat na bituin." Napatigil si Pete. Inangat nito ang ulo at tumingin kay Ragen. "Gate ng dark realm," ani ni Pete. Napagil si Ragen at agad na hinawakan ang leeg ng ahas na si Pete. Napamura ang halimaw. "Sumama ka sa akin," ani ni Ragen. Tumakbo si Ragen bitbit ang ahas. Agad siya sinundan ni Scott at ng ilang tagapaglingkod. Kasalukuyang nasa opi

