Chapter 45 3rd Person's POV "Bakit mo ito sinasabi empress? Hindi ba ikaw na nagsabi na maglalaho ka kapag lumabas si Racine at gamitin ang kapangyarihan niyo na dalawa?" ani ni Sonia. Pagkatapos ni Lazaro umalis kasama ang mga kawal may nakita ulit na pangitain si Ragen. Magiging isa si Lazaro at Lufei. Mawawala sa sarili si Lazaro dahil makukulong ito sa isang ilusyon. Gagamitin ng mga nilalang na iyon ang kapangyarihan ni Lucas para pag-isahin si Lufei at Lazaro. Nakita niya din na kokontrolin ng mga sinumpang nilalang na iyon si Lufei at wawasakin ang mundo. Maglalakbay ang mga ito sa iba't ibang panahon at iyon ang magiging rason para makarating ang mga ito sa hinaharap. Ibig sabihin ang mga nilalang na iyon ang sisira sa hinaharap at sa kasalukuyan. Ito din ang mga nilalang

