Chapter 15 3rd Person's POV Hindi makapaniwala sina Leroy na pagkasakay nila ng karwahe agad na nakatulog si Ragen. Sa kalagitnaan ng gabi ay agad sila umalis matapos makapagpahinga. Hindi makapaniwala sina Quiran na nakatulog ang kapatid kahit nandoon iyong posibilidad na bigla na lang silang atakihin. Hinawakan ng mayordoma ang ulo ni Ragen at isinandal sa balikat niya para maging maayos ang tulog nito. "Parang kahapon lang 'nong nakita ko ang prinsipe na umiiyak dahil nakabasag siya ng tea cup. Tinatawag ako at sinasabing hindi na siya uulit," bulong ng mayordoma na may ngiti sa labi. "Pero ngayon sa ating lahat siya na lang ang hindi nakakaramdam ng takot," dagdag ng mayordoma. Ni sa panaginip hindi niya aakalain na posibleng maging ganoon kalakas ang prinsipe at magagawa