Chapter 16 3rd Person's POV Nakaupo sila ngayong apat sa isang table. Nasa garden at kasalukuyang may mga tasa ng kape sa harapan. Hinawakan ni Ragen ang tasa. Hinawakan ni Quiran ang braso ni Ragen para pigilan itong uminom. "What? Gusto mo din ba ng kape?" tanong ni Ragen. Tiningnan siya ni Quiran ng makahulugan ngunit mukhang sinasadya ni Ragen na hindi intindihin iyon. Binigay ni Ragen ang baso niya kay Quiran. Sinabing mainit na iyon. Kinuha ni Quiran ang tasa. Kinuha naman ni Ragen ang tasa na nasa harapan ni Quiran. Iniisip ng dalawang prinsipe kung gaano ka-stupid ang dalawa sa mga oras na iyon. Alam ni Quiran na may lason iyon— hindi niya maintindihan kung bakit binigay iyon sa kaniya ni Ragen. Nilagyan ng magkapatid ng malakas na lason ang mga inumin ni Quiran at