Chapter 17 3rd Person's POV "Siguro naman ngayon kakausapin niyo na ako tungkol sa totoong nangyari sa blacksea diba?" tanong ni Lazaro. Sinabi ni Yulo na sinabi nga ng hari na ayaw magsalita ng mga taong galing sa blacksea tungkol sa totoong nangyari sa emperyo ng blacksea. Maraming ayaw maniwala sa kanila kaya kalaunan ay itinago na lang din iyon ng mga taong nakaligtas sa nangyari na kaguluhan sa loob ng trangkahan. "Kung may gusto kang malaman mas mabuting kausapin mo ang pinakamatanda sa amin dito. Nagtatrabaho siya minsan bilang lady in waiting ng isang prinsesa sa Aquasilence kingdom," ani ng mukhang pinakanamumuno sa mga mamayan na nagbabantay ng trangkahan. Pinapasok sila ng mga tao at sinamahan ito sa kung nasaan ang matanda. Pagbaba nila sa tore at paglabas— bumun