Chapter 25 3rd Person's POV Sa araw na iyon kailangan ng prinsipe pumunta sa bulwagan para kausapin ang mga mamayan na kailangan ng tulong ng palasyo. Kailangan kasi ulit ni Lazaro umalis para puntahan ang heavenjade kingdom. Ayaw ng mga tao doon na maki-cooperate. "Hayaan mo at magpapadala ako ng manggagamot ngayon din sa bayan. Ukol naman doon sa problema sa mga hayop may ipapadala akong tao para suriin ang sitwasyon doon," ani ni Ragen. Nandoon si Colton sa bulwagan at kasalukuyang may mga hawak na papel. Napako ang tingin ni Colton sa isa sa mga taong nasa loob matapos makitang kakaiba ang kilos nito. Pinagpapawisan ito at nagdududa doon si Colton. Umalis si Colton sa pwesto ni Ragen para i-check ang lalaki nang biglang sumigaw ang mga tao. "Mahal na prinsipe!" Napalin