Chapter 26 3rd Person's POV Niyakap ni Ragen si Rafael. Sinara ni Lazaro ang pintuan ng karwahe. Biglang nawala si Rafael at umandar na din ang karwahe. Kung hindi nga nakita ni Ragen na palabas na sila sa gate ng palasyo hindi niya malalaman na paalis na sila. Sumilip si Ragen sa labas ng karwahe. Nakita nga niya si Lazaro sa leopard form nito. "Pinuno— hindi ba masyadong tahimik dito ngayon?" Napatingin si Ragen matapos makita ang kapatid ni Amarra. Kung tama si Ragen sa pagkakaalala Aaron ang pangalan nito Nakasakay ito sa kabayo at nasa likuran ni Lazaro. Biglang nagsara ang kurtina— napatigil si Ragen matapos makarinig sila ng ingay. "Nadapa si Lazaro. Huwag mo na pansin iyon Rafael," ani ni Ragen. Tiningnan kasi siya ni Rafael matapos makarinig ng ingay sa labas at big