Chapter 20 3rd Person's POV "Lazaro, gusto mo ng maiinom?" Tinanggihan ito ni Lazaro at sinimulan muling magbuhat nag tatlong sako na palay. Napako ang tingin ng babae kay Lazaro na ngayon ay pinamimigay ang mga palay sa mga tao. Si Amarra Rodman ang pinakamagandang babae sa kanilang lugar noong hindi pa dumarating si Lazaro sa kanilang bayan para ianunsyo ang pagbubukas ng blacksea. Ngunit sumama doon si Amarra hindi dahil sa blacksea kung hindi dahil kay Lazaro. Para kay Amarra si Lazaro ang pinakaperpekto na lalaki para sa kaniya. "Amarra, dinala mo ba para sa amin iyang tubig?" tanong ng ilang lalaki. Ngumiti lang si Amarra at binigay iyon. Agad naman natuwa ang mga lalaki na nagtatrabaho din sa lugar na iyon. Pagkatalikod ni Amarra umirap agad nag babae at palihim na pi