Chapter 21 3rd Person's POV Tiningnan ni Ragen ang plawta. Pinigilan ni Lazaro lumapit ang mga tao matapos bumaba at lapitan ang itim na bagay na lumalabas mula sa ilalim ng lupa. Umatras si Lazaro matapos makitang umuusok ang lupa matapos madaanan ng itim na bagay na lumalabas sa hukay na nagawa ni Ragen. "Ano iyan Lazaro?" tanong ni Ragen. Lumingon si Lazaro. "Hindi ko alam pero hindi maganda pakiramdam ko sa bagay na ito," ani ni Lazaro. Nakita niyang umuusok iyon at hindi maganda ang amoy. Bumaba si Ragen at napatigil si Ragen matapos biglang sumakit ang gilid ng leeg niya. Para iyong tinutusok. Mabilis na nag-teleport si Lazaro at sinalo si Ragen matapos muntikan na itong matumba. May bagay na lumabas sa katawan ni Ragen at naramdaman ni Lazaro ang sariling kapangyarih