Chapter 46 3rd Person's POV Tinungo ni Ragen ang opisina niya. Nais siya kausapin ng mga prinsesa ngunit sinabihan ni Lazaro ang mga anak na siya na muna ang kakausap sa hari. Pagbukas ni Lazaro ng opisina at pagkasara hg pinto nilapitan niya si Ragen na nanatiling nakatayo. Nakatakip ang bibig at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha. Dumudugo ang labi ni Ragen. Noong paglabas niya ng kwarto muntikan na siya mag-break down. Kinagat niya ang labi para maiwasan umiyak at pigilan ang sarili na bumalik at yakapin ang anak na prinsipe. Tanging si Lazaro lang ang nakakaalam ng pagdudusa ni Ragen inside. Ayaw ni Ragen paalisin si Rafael sa puder niya at iyon ang totoo. "Lazaro, diba wala kang hindi maaring gawin? Lazaro, pwede mo ba ikulong si Rafael? Iyong walang makakakita at makakaal

