Chapter 45 3rd Person's POV Literal na napanganga si Ragen matapos malaman na binato ni Rafael sa libro ang prinsesa sa katabing kaharian. Nag-iiyak ang batang prinsesa habang dumudugo ang ilong. "Mahal na hari!" sigaw ng reyna habang yakap ang anak niya. Tumikhim si Quiran dahil talagang hindi niya maiwasan na matawa sa nangyari. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganoon na issue sa kasaysayan like may isang prinsipe na binato ng book ang mukha ng prinsesa dahil naiirita ito dito. "Nais ko malaman kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa niyo sa batang iyan. Masyadong bayolente," nanggagalaiti na sambit ng hari. Galing ang mga ito sa kaharian na nasa labas ng ethereal. Napayuko si Rafael matapos siya tingnan ni Lazaro at Rafael. "Sor—" Naputol ang sasabihin ni Rafael matapos

