Chapter 40 3rd Person's POV Nag-aaway ang mag-asawa. Hinila ng babae palabas sa bulwagan ang matanda at sinabing sa labas sila mag-usap na dalawa at nahihiya siya. Nakatingin si Ragen sa matandang babae na dala ngayon ang matanda. Sobrang lakas ng negatibong enerhiya na nakikita niya sa babae. Malayo ito sa mukha, galaw at attitude ng babae. Hindi halata na may tinatago itong kakaibang galit at mukhang dahil iyon sa asawa. Lahat ay naghihintay sa bulwagan. Lumipas ang isa, dalawa at apat na oras. May pumasok na kawal at tinatawag ang hari ng aquasilence. "Mahal na hari! May nangyari!" sigaw ng kawal. Nagulat si Ragen at napatayo. May kumagat na kawal sa leeg ng taong nagbukas ng pinto. Nagsigawan ang mga tao. Agad na hinila ni Leroy ang espada niya at tinanggalan ng ulo ang n