Chapter 41 3rd Person's POV Sa kalaliman ng gabi nagising si Lazaro. Nakatalikod sa side niya si Ragen. Sa ilang taon na pagsasama nila ng prinsipe alam na alam na ni Lazaro ang mga habit ng lalaki. Umisod siya at niyakap mula sa likod si Ragen. Tinanong ni Lazaro kung hindi na naman ba makatulog ang lalaki. Naimulat ni Ragen ang mga mata at bahagyang lumingon. "Pasensya na. Nagising ba kita?" tanong ni Ragen. Dahil sa 3rd mark halos iisa na si Ragen at Lazaro kahit iyong mga bagay katulad ng matinding emosyon ay nararamdaman ni Lazaro. Magalaw si Ragen kapag hindi makatulog kaya kapag hindi pa siya inaantok ay medyo lumalayo siya kay Lazaro para hindi makaistorbo. "Kapag hindi ka makatulog ay lumalayo ka sa side ko," ani ni Lazaro. Pinahiga ni Lazaro si Ragen sa mga braso niya.

