Chapter 31 HINDI NAG-AKSAYA ng oras sila Suyen kasama si Mildred sa paghahanap ng kasagutan sa mga nangyayari ngunit hindi nila alam kong saan sila mag-uumpisa. Nasa labas sila ng bayan at naglalakad sa palibot ng mga taong nasa bayan. Magkahawak kamay at parehas nakasuot ng kapa ang dalawa. Pinipilit ni Suyen na alalahanin ang lugar kong saan siya unang nagising nong makuha siya ni Nikolai. “Hindi ko matandaan ang mansyon, para siyang mansyon sa gitna ng kagubatan…” Tumango-tango si Suyen, “oo, parang gano’n nga.” Huminto si Mildred at dahil magkahawak sila ni Suyen napahinto rin ang dalaga. Maingay sa buong paligid dahil sa mga mamimili sa bayan. Napasulyap si Suyen sa kaibigan. “Anong meron?” Pagtataka ni Suyen. “Hindi kaya sa dating tinitirhan ni France, alam ko na ikwento na siy