Chapter 32 “BAKIT MO ko dinala rito? Wala naman siya!” Si Cosette at si Beatrice na siyang kamukha niya. Pakiramdam niya pinapanood niya ang kanyang sarili na nakikipagtalo kay Cosette. Parehas ilang magkasalubong ang mga kila at tensyon na nagaganap sa itaas. Dahan-dahan naglakad si Suyen sa may dulo ng hagdan habang nakatanaw pa rin sa dalawa itaas. Hindi niya maintindihan kong paanong nangyaring pagtagos niya sa salamin ay bigla na lamang nagbago ang lahat. “Dahil uto-uto ka, mas maganda hindi ka nila makita pareho!” Sabi ni Cosette kay Beatrice. Ang pamilyar na bistidang puti ng dalaga na suot din ni Suyen nong unang araw na magising siya sa Nurlin ay siya ring suot ngayon ni Beatrice, “ibig sabihin ba nito…” Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa kabang nararamdaman ni