Chapter 33 “HINDI IKAW si Beatrice.” Pag-uulit ni Nikolai. Hindi makaimik si Suyen sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kong paano niya didipensahan ang kanyang sarili. “Pinag-laruan mo ko,” umabante si Nikolai na siyang kinaatras ng dalaga dahil sa kaba at takot sa binata. “Pinag-laruan mo ang kahinaan at damdamin ko, anong kasalanan ko para gawin mo sa ‘kin ‘to?” Bigla na lang hinablot ni Nikolai ang braso ni Suyen na siyang kinagulat ng dalaga. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya. Iiling-iling siya sa binata. “Sino ka ba?” Tanong uli ni Nikolai. Hindi na mabasa ni Suyen ang ekspresyon ng binata at hindi na niya makita ang pagmamahal nito para sa kanya. “Hindi ko sinasadya, pakingan mo muna ako.” “Para makapagsinungaling ka pa, hindi na kailangan dahil alam ko na ang lah