Chapter 35 HINDI SIYA gaanong nakatulog nong gabing ‘yon. Mga ilang oras lang kakaisip sa kanyang nalaman, dapat gawin at muli siyang nagising sa mga katok mula sa pintuan. Umalis siya sa kama at tinago sa ilalim ng unan niya ang punyal na binigay sa kanya kagabi ni Helena. Nang makalapit siya sa pintuan nakita niya agad ang isang tagapagsilbi na nakangiti sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa dala nitong kahon. “Binibini, pinapasabi po ng mahal na prinsipe na kong gusto ninyong dito ang magiging almusal ninyo o sasabay po kayo sa kanya? Pinapabigay din po niya sa inyo para sa bago ninyong damit.” “Salamat,” saka niya pinagbuksan ang dalaga at pumasok naman ito para ilapag sa kama niya ang mga gamit para sa kanya. “Kong maari dito na lang siguro ako mag-agahan, kong ayos lang?” Tumango