Chapter 36 NANATILI PA sila sa loob ng silid na ‘yon. Habang nakahiga si Nikolai sa mahabang upuan at nakaibabaw naman si Suyen sa kanya, parehas hubad ang katawan sa ilalim ng iisang kumot na puti. Walang pakialam kong anong susunod na mangyayari o ang magiging takbo ng oras. Wala ring dumaan sa silid na ‘yon para hanapin sila. Nakaunan si Suyen sa dibdib ng binata habang pinaglalaruan ni Nikolai ang buhok niya. “Hindi mo na ako iiwan?” Biglang tanong ng binata. Dahan-dahan umayos si Suyen para tuluyang makita at masilayan ang maamong mukha ng binata. Tinitigan ang mukha nito sandali saka sinuklay ang mga daliri sa gulo nitong buhok. Napapikit naman si Nikolai sa kanyang ginawa at para bang ninamnam ang oras nila. “Kahit na anong mangyari, sana malaman mong mahal kita,” ‘yon ang tang