Chapter 20 HINDI MAPAKALI si Suyen dahil sa mga boses na naririnig niya sa palengke kanina habang kasama si Mildred at para bang may matang nakatitig sa kanyang mga kilos. Nang makauwi sila ng mansion tinulungan niyang buhatin ang ilang pinamili nila pero hindi pa rin mawagli sa kanyang isipan ang nangyari at napansin naman ni Mildred ang pagiging tulala niya. “Ayos ka lang?” Saka lang siya natauhan at napasulyap sa kanyang kaibigan. “Huh?” Napakunot-noo ang dalagang kaharap at napakamot sa kanyang ulo, “kako kong ayos ka lang at mukhang malalim ang iyong iniisip binibini?” “Wala…” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla siyang makaramdam ng panghihina at hindi makontrol ang kanyang katawan. Nabitawan niya ang hawak kaya mas lalong nagulat ang kaibigan niya sa kanya. Natatakot