Chapter 19 “Wala ka pa ring ginagawang paraan hanggang ngayon.” Inis na bungad ng dalaga nang makapasok s’ya sa kanyang silid at saktong paglitaw ng babaeng nakaitim na damit sa harapan n’ya. “Cosette masyado ka naman nagmamadali, kilala ko na kong saan s’ya galing at kong sino s’ya, s’ya si Suyen Mitchell galing sa kabilang mundo, mundong hindi katulad ng sa’tin.” Biro ng mangkukulam na nagngangalang Zuni. “Hangga’t nabubuhay ang babaeng ‘yon hindi ako matatahimik ng ganito, hangga’t magkasama sila ni Nikolai hindi ako matatahimik kaya gumawa ka na ng paraan!” Nakangisi lamang ang mangkukulam sa dalaga na animoy natutuwa sa ekspresyon at pagiging desperado nito. “Gumawa ka na ng paraan, gawin mo rin ang gusto mo, patayin mo rin s’ya katulad ng ginawa mo kay Beatrice nang mawala s’ya