Chapter 18 Pagkapasok pa lamang ni Nikolai sa mansyon agad na s’yang binati ng mga katulong na naghihintay sa pagdating n’ya, ngumiti naman s’ya pabalik. Tatlong araw na ang nakakalipas nang makabalik sila mula sa biyahe, bumalik na naman s’ya sa trabaho ng masaya at masigla. “Napaaga po ata ang uwi ninyo,” komento ni Mildred sa kanya habang kinukuha ang mga kagamitan n’ya sa trabaho. “Gusto ko lang makita agad si Beatrice,” sagot naman n’ya pabalik. Kukunin sana pa ng dalaga ang isa n’yang hawak na kahon ngunit nilayo n’ya ito, “wag na ‘to ako nang bahala.” “Sige po.” “Na saan ba s’ya ngayon?” “Nasa hardin po, kanina pa po s’ya ro’n at masayang nagpipinta.” “Mabuti naman.” Binilhan din n’ya ng gamit sa pagpinta ang dalaga nitong nakabalik sila sa mansyon para hindi na muna ito l