Chapter 22

1043 Words

Chapter 22 NANATILING NAKATITIG si Suyen kay Mildred at hindi niya alam kong ano ba ang dapat niyang gawin. Gusto niyang magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig niya at hindi maproseso ng kanyang isipan ang mga nangyayari. Una, si Nikolai hindi niya maintindihan ang mga kinikilos nito at pakikitungo sa kanya. Pangalawa, alam ni Cosette ang tunay niyang katauhan. Pangatlo, nalaman na rin ni Mildred ang sikreto niya ng dahil kay Cosette. “Anong ginawa mo sa kaibigan ko?” Muling tanong ni Mildred sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo at balak sana niyang lumapit sa dalaga ngunit umatras ito. Para bang ayaw lumapit sa kanya at natatakot. “Hindi ko alam kong saan ako mag-uumpisa pero pwede bang hayaan mo kong makapagpaliwanag ng maayos. Pag-uusapan natin ‘to ng maayos,” pagsusumamo ni Suye

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD