Chapter 23 SA LABAS pa lang ng mansyon ng papalapit na karawahe kong saan nakasakay si Nikolai napansin niyang may kakaiba na rito lalo na’t makita niyang sira ang gate at unahang bahagi ng mansyon. Agad na kumalabog ang dibdib niya sa kaba, nagtataka kong anong nangyari at nagka-gano’n ang mansyon. Isa lang ang unang pumasok sa isipa niya, ‘si Beatrice?’ Saka namilog ang mga niya. Huminto ang karawahe sa mismong tapat ng sirang gate at hindi sila basta-basta makakadaan dahil may ilang manggagawa ang nag-aayos ng nasirang pintuan papasok sa mansyon. Naiwan niya ang kanyang bag sa loob dahil sa pagmamadali at para bang binabayo ng malakas ang dibdib niya sa bilis ng t***k ng puso nito. “A-anong nangyari rito?” Habang papalapit lalo siyang kinakabahan na hindi niya mawari. “May pagsugod