Chapter 24 NANATILING NAKASALAMPAK si Suyen sa isang sulok hindi niya alam kong ilang oras na siyang nakakulong sa silid kong saan siya iniwan. Ilang beses niyang sinubukan buksan at pinipilit na humingi ng tulong ngunit wala naman pumapansin sa kanya kahit pa may mga tao sa labas ng silid dahil naririnig niya ang tawanan sa labas na para bang may maliit na kasiyahan. Napalunok siya ng sariling laway. Nanghihina at nagugutom na rin. Wala man lang nagbibigay ng pagkain o tubig man lang. Gusto na niyang makaalis pero hindi niya alam kong paano. Huminga siya ng malalim bago niya muling dinuko ang ulo sa mga tuhod. “Gusto mo bang makawala?” Namilog ang mga mata niya ng marinig ang pamilyar na boses na naririnig niya ngayon. Napabalikwas siya at pinagmasdan ang paligid ngunit wala naman si