Chapter 28

1030 Words

Chapter 28 TATLONG ARAW ang nakalipas simula nang manumbalik ang lakas ni Suyen, nakakalabas na siya ng silid at hanggang sa hardin ngunit dahil sa mga nangyari hindi na muna siya pinayagan ng lumabas ng mansyon. Tuluyan nga nakulong si Mr. New Jean dahil sa nangyari dahil sa malakas nitong ebidensya. Napapaisip din siya ng umagang ‘yon kong paano nga ba niya papasalamatan ang binata dahil masyado na niya itong na abala ng husto at humingi na rin ng paumanhin. Katatapos lang ng almusal at kakaalis lang ni Nikolai. Nanatili siyang nakaupo sa harap ng hapag. Napansin naman siya ng Mildred na para bang malalim ang kanyang iniisip. Nagtigil ito sa paglilinis at umupo rin sa may tapat niya. Hindi pa rin niya napapansin ang dalaga na nakatitig na din sa kanya habang hawak ang puting basahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD