Chapter 27 DAHAN-DAHAN IDINILAT ni Suyen ang mga mata niya, malabo at nag-adjust pa ang mga mata niya sa matagal na pagkakapikit. May dalawa siyang naaninag, ang isa’y mukha ni Mildred na nag-aalalang nakadungaw sa kanya at ang isa naman ay sa pamilyar na mukha ngunit hindi niya maalala kong sino ‘yon. “Beatrice?” Narinig niyang tinawag siya ng dalaga at tumingin sa gawi nito. Bigla na lang nawala ang isa pang mukha nang tuluyan niyang maidilat ang mga mata. Si Mildred na lang ang nandoon at hindi na niya natuon pa ang pansin sa biglang nawalang mukha. “Kamusta ka na? May masakit pa sa ‘yo? Buti naman at nagising ka na. Magsalita ka naman.” Nag-aalalang boses ni Mildred at mukha nitong nakatingin sa kanya. Nanunuyot ang lalamunan niya pero nakapagsalita pa rin si Suyen, “ayos ka lang