Chapter 39 MULING NATIRA sa kweba na yon si Suyen at si Nikolai na wala pa ring malay. Pinipilit na gisingin ng dalaga ang binata para tuluyan silang makatakas doon. Ilang beses niyang binabato ng maliliit na bato ang kulungan ni Nikolai. Iniisip niya na habang wala si Zuni o si Cosette mas magandang makagawa sila ng paraan para makatakas doon. Sa sunod na pagbato ng bato sa binata, aksidenteng nakapasok ito sa kulungan at natamaan ang ulo nito na siyang nagpagising sa binata. Napatakip naman si Suyen sa gulat lalo na’t napa-aray ang binata. Nakita niyang hinihimas ng binata ang ulo nito habang bumabangon. Nang tuluyang magising si Nikolai, napakunot-noo nito habang pinagmamasdan ang kweba hanggang sa tuluyang napasulyap kay Suyen na nasa kabilang silda. Nagulat pa ito at hindi makapaniw