Chapter 40 NGUNIT BIGLA ring lumipad sa lamesa si Cosette nang gamitan siya ni Helena ng kapangyarihan nito. Agad na tumayo si Suyen at kinuha ang punyal sa sahig. Hindi makagalaw doon si Cosette at para bang may malakas na pwersang nagpapahinto sa kanya sa lamesa. Pumaibabaw si Suyen kay Cosette sa lamesa nang makaakyat siya at handa ng patayin si Cosette gamit ang punyal. Nahihirapan si Cosette na gumalaw sa kanyang kinahihigaan at makikita roon ang takot sa mukha ng dalaga, “wag! Maawa ka sa ‘kin!” “Naawa ka ba sa mga pinatay mo? Hindi diba, bakit ka humingi ng awa ngayon?” Mapanghamon na tanong ni Suyen habang mahigpit na hawak ang punyal at nakapuwesto na ito sa mismong gitna ni Cosette. “Maawa ka sa ‘kin at bigyan mo pa ako ng dalawang pagkakataon, maawa ka,” pagmamakaawa ni Cos