HINDI na mabilang ni Lawrence kung ilang beses na siyang nagpabalik-balik at palakad-lakad sa harapan ng Delivery Room. Nag-aalala siya para kay Chloe na nasa loob. Manganganak na ang asawa niya ngayon at sobra siyang nag-aalala para rito. Huminga ng malalim si Lawrence. "My lord, what happened to Lady Chloe?" Nag-aalalang pambungad sa kaniya ni Irus pagdating nito sa hospital. At kagagaling lang nito sa Airport. Inutusan kasi ito ng asawa niya na pumunta ng Greece at ngayon lang ito dumating. "My lord, is Lady Chloe okay? Is she going to live?" Nag-aalalang tanong ni Irus. Kumunot ang nuo ni Lawrence at nagtaka. Tumingin siya kay Rocco na nakatayo sa tabi. "Anong sinabi mo sa kaniya?" Tanong niya rito. Ito kasi ang tumawag kay Irus kanina para ipaalam na nasa hospital si Chloe. Rocc

