"HAPPY birthday, Chloe!" Bati ng mga kaibigan ni Lawrence sa kaniya. Ganun din ang mga kaibigan niya. Natutop ni Chloe ang bibig saka napakurap. Mabilis niyang tinignan ang cellphone. Doon niya lang nalaman na birthday niya pala ngayon. "Oh my god." Sambit niya. "Hulaan ko." Sabi ni Vivian. "Nakalimutan mo naman 'no?" Nagtawanan ang mga ito. "I'm sorry. Nakalimutan ko na birthday ko ngayon." Sabi ni Chloe. "But thank you." Aniya habang nakangiti. "Hindi naman kami ang naghanda nito e." Sabi ni Ezequiel. "Sino?" Chloe asked while lokking for her husband. Bilang sagot, pumagilid ang mga ito at sa dulo nakita niya ang asawa na may hawak na bouquet. Naglakad ito palapit sa kaniya. "Happy Birthday, Sweetheart." Bati nito. "Thank you." Naiiyak na sabi ni Chloe at kinuha ang bouquet na i

