Venus POV PAPASOK na sana ako sa loob ng kotse ni Marco sa katabi ng driver seat nang pigilan niya ako. "You can't sit there. I want only Via to sit next to me. Give me and my daughter time. You hid her from me for a long time." tila pabulong na sabi niya sa akin. Natigilan na lang ako at hindi nakaimik. Hindi iyon narinig ni Via dahil abala pa ito sa pagpapaalam kay mommy Emily. Mabigat lang sa dibdib ko ang sinabi niya. Tinawag ko na lang si Via para papasukin na sa loob ng kotse. Binalewala ko na lang ang sinabi niya. Kasalanan ko rin naman 'to kung bakit siya nagkakaganito sakin. Nasaktan ko siya, nagsinungaling ako at sinagot ko pa si Alden. "Mommy, hindi ka po ba dito uupo?" tanong ni Via sakin ng umatras ako para ilabas ang katawan ko. "Hindi baby. Ayos na si mommy sa back s