Venus POV PAGDATING namin sa Boracay ay dumaan muna kami sa mga stall dahil nagturo si Via. Nakakita lang ng swimsuit tinuro niya na kaagad sa daddy niya. "Daddy, gusto ko po 'yon." "Okay, tamang-tama kaunti lang yung dala mo na mga damit." wala naman reklamo si Marco. Kaagad naman na sinang-ayunan ang anak namin sa gusto nito. Kapag siguro nagsama sila palagi ay ma-e-spoiled ng sobra si Via. Lahat kasi ng gusto nito ay binibigay ni Marco. Nakasunod lang ako sa kanila. Parang julalay ng dalawa. Tanging bitbit ko lang naman ay ang aking maliit na shoulder bag. Mga gamit naman namin ay nasa sasakyan pa. Maraming mga foreigner na nakakasalubong kasama ang mga pinay na syuta ng mga ito or mga kaibigan. "Mommy, how about you? Gusto mo rin ba ng swimsuit? mother and daughter outfit po tayo.