Venus POV "MANANG, pakidala po muna si Via sa kwarto." utos ko kay Manang Bering. Yumuko ako para mapantayan ang anak ko. "Baby, bumalik ka na muna sa kwarto natin ah. May pag-uusapan lang kami." "Ano po ang pag-uusapan niyo?" "Basta baby. Sumama ka na muna kay yaya Bering." "Okay po, mommy." Mabuti na lang masunurin ang batang ito. Nilapitan naman ni Via si Manang Bering para bumalik na ulit sila sa kwarto. Tanaw ko ang kanilang paglalakad palayo sa amin. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Sinulyapan ko si Marco at Alden. Nagkakatitigan silang dalawa. Tsaka lang din bumaling sakin si Marco. "Yung totoo?" tanong ni Marco. Naghihinala yata ito. "Iyon ang totoo." sagot naman ni Alden. "Venus, sabihin mo sakin ang totoo. Sino ang ama ni Via?" muli ay tanong ni Marco. "Totoo ang si