Venus POV "Ma'am, sino po ba ang lalaking 'to? Bakit siya nagwawala sa labas ng bahay? Bakit niyo pinapasok? Paano kung—" "Manang, kilala ko po siya. Isa po siya sa tindiro ng fishball sa kanto ng bahay namin noon. Kung iniisip niyong kriminal ang lalaking ito. Hindi po." putol ko sa pagsasalita ni Manang. "Gano'n ba. Baka naman may utang kayo diyan, ma'am kaya kayo ginugulo." "Manang wala po akong utang." "Gano'n ba. Kay gwapo naman ng fishball vendor na ito. Hindi ko naman po iniisip na kriminal ang lalaking ito, ma'am. Sa gwapo niyan eh, handa akong magpa-stab ng ilang beses—" Sinamaan ko kaagad ng tingin si Manang kaya tumigil ito sa pagsasalita. "Nagbibiro lang, ma'am." bawi naman niya. Napansin ko ang pagalaw ng katawan ni Marco. Buti naman at nagising na yata siya. "Venus.