Venus POV "BREAKFAST IN BED, BABY." Kagigising lang ni Via. Sinalubong ko ng bitbit kong tray with breakfast ang paggising niya. "Maghilamos ka na, nak." utos ko sa kaniya. Kung hindi niyo lang alam. Kapag bagong gising si Via. Kamukha niya ang --- daddy niya. Kapag magulo ang buhok niya nagiging kamukha niya si Marco. Ganito rin kasi kapag bagong gising si Marco. Medyo sumisingkit ang mga mata. Hindi man lang ito nagsalita. Dinaanan lang niya ako na tila inaantok pang tinahak ang banyo. Ilang minuto akong naghintay. Sa wakas ay natapos rin ito. Lumapit siya sakin tsaka yumakap. "Inaantok ka pa ba? Gusto mo bang matulog ulit?" umiling-iling naman ito. Sinulyapan niya ang table. Ang breakfast na nakapatong doon ay tinitigan niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nilapitan niya kaagad ito