Third Person's POV LAHAT na yata ng side ng mommy ni Marco ay natawagan niya na ngunit wala siyang nakuhang sagot sa mga katanungan niya. Walang alam ang mga ito tungkol sa kaniyang tita Emily. Ang alam lang ng mga ito ay umalis ito ng bansa ngunit hindi alam ng mga ito na si Venus pala ay anak ni Emily. Malakas siyang napabuntong-hininga habang hindi mapakali ang kaniyang mga kamay sa manibela. Napagdesisyunan niya na lang na umuwi ng probinsya. Baka sakaling sa mga kapitbahay nila doon ay may nakakaalam about sa pag-ampon ng mommy niya kay Venus. Natigilan siya ng maalala ang nag-iisang kapatid ng daddy niya. Matanda na ito ngunit kailangan niyang itanong rito kung may alam ito about sa buhay nila noon. Hinanap niya ang naka-save na number nito sa kaniyang phone. Nagdadalawang isip