Third Person's POV TINAKBO ni Marco ang kinaroroonan ni Allen tsaka ito buong lakas na sinuntok. Tumilapon naman sa sahig si Allen. Pinunasan nito ang gilid ng labi na may kaunting dugo. Tumingala ito at buong pagtataka na tiningnan si Marco. "Anong problema mo?" Puno ng pagtataka na tanong ni Allen. Tumayo ito at kapantay na ngayon si Marco. "Problema ko? Tinatanong mo kung ano ang problema ko?" sarkastiskang sabi ni Marco habang sarkastika rin ito na ngumiti. "Tinatanong mo pa talaga kung anong problema ko? Ayos ka rin noh?" Isa pa na suntok ang muling pinakawalan ni Marco. "Kung sinabi mo sana sakin kaagad na si Venus ang babaeng pumasok sa VIP room ko! Hindi sana nangyari 'to!" malakas na sigaw niya sa pagmumukha ni Allen. Ni-kwelyuhan niya na rin ito habang umiigting ang kaniyang p