Third Person's POV ILANG LINGGO na ang lumipas pero hindi pa rin nahahanap ni Marco si Venus. Every night he goes to bars, clubs and anywhere else he can get rid of his sadness and missing his wife. Uuwi siyang tulala, simula sa living area, kitchen, dining at pag-akyat niya sa taas ay mas lalo pa siyang nalulungkot tuwing naiisip niyang walang Venus na madadatnan sa kwarto. Habang tinatahak ang kwarto ay pumupungay-pungay naman ang mga mata nito dahil sa kalasingan. Zigzag na rin ang mga lakad niya. Nang buksan ang pintuan ay nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang merong nakaupo sa kama. Nang lingunin siya nito ay tsaka niya lang nakita ang mukha nito. Ang matagal niya ng gustong makita, mayakap at mahalikan ay hindi makapaniwalang nasa kaniyang harapan. "Venus..." sambit niya.