Third Person's POV "ANG CUTE, cute naman ng batang ito. Mana na mana sa akin." sobrang naaliw si Manang Lucy dahil sa batang si Via. Panay ang kurot nito sa pisngi. Pagkapasok pa lang nila kanina ay sinalubong na kaagad sila ni Lucy para itanong sa kaniya kung sino ang batang kasama niya. Sinabi niya na lang rito na nawawala ang bata. Habang nasa sala ay pinagmasdan niya ang pagtatawanan at paglalaro ni Manang Lucy at Via. Siguro kung nabuhay lang ang anak nila ni Venus ay ganito na rin sana ito kalaki ngayon. He sighed while looking up at the ceiling. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyari at ang pagmamahal niya kay Venus ay hindi pa rin nawala. How can I forget you, Venus? Bakit ang hirap mong kalimutan? Nang ibalik niya ang kaniyang paningin sa kinaror