"KUMUSTA na raw ang pinsan ninyo mga anak? Ilang oras na ba siyang nasa loob ng emergency room? Ano ba kasi ang mangyari at nandito kayo sa pagamutan?" Sunod-sunod na tanong ni Ginang Shiella sa mga pamangkin ng asawa. Kaso wala yatang balak sumagot ang dalawa. Kaya't ang mga tauhan naman nito ang binalingan. "Ma'am, huwag po kayong mag-alala kay Brigadier General. Dahil kagaya ng dati ay malalampasan niya iyan. Don't get me wrong, Ma'am, but for the past few years or almost six years, this is not the only time that our beloved superior met an accident. He will surely pull it through." Inunahan pa nga siya nito. Kaya't napatingin siya sa pinsan nito na best friend. "Sorry, Mama. Pero wala po akong kaalam-alam diyan. Hindi naman po siguro lingid sa kaalaman nating lahat na simula na-pro

